Apr 15, 2008

Kalusugan ng mga Kababaihan

Ang HIV at ang Pagdadalang-tao


Maraming kababaihang may HIV ang nag-aalala kung paano naaapektuhan ng pagdadalang-tao ang kanilang HIV, at gayundin, kung ang kanilang sanggol ay mahahawa sa kanila. Napag-alaman sa mga kararaang pagsisiyasat na sa pamamagitan ng wastong pangangalaga, pag-inom ng mga gamot laban sa HIV at paggamit sa lahat ng paraang pangkalusugan, na malaki ang pag-asang maging maayos ang pagdadalang-tao at magsilang ng malusog na sanggol na ligtas sa HIV.

Paano naaapektuhan ng pagdadalang-tao ang HIV?
• Napagalaman din sa pagsisiyasat na hindi nagpapabilis o nagpapabagal ang pagdadalang-tao sa paglaganap ng HIV.

Paano naaapektuhan ng HIV ang pagdadalang-tao?

• Walang epekto ang HIV sa normal na pagdadalang-tao kung ang ina’y nananatiling malusog,

• May dagdag na panganib na magkaroon ng komplikasyon ang ina at sanggol kapag ang ina ay nagkaroon ng impeksyon dahil sa HIV tulad ng Pneumocystis carinii pneumonia (PCP) habang buntis. Ang panganib ay lumalala kung ang CD4 count ng ina ay mababa sa 200.

• Ang HIV ay walang epekto sa pagkabuo ng sanggol sa loob ng sinapupunan. Ang pinakanghigit
na panganib na dala ng HIV habang buntis ay ang panganib na mahawa ang sanggol. Sa mga kababaihang hindi naggagamot, ang pagsalin ng HIV sa sanggol ay karaniwang tumataas sa 20-25%. Ang panganib na ito ay maaring maibaba sa 8-10% sa pamamagitan ng iba’t ibang paraang tinatalakay sa ibaba.
Pagsalin ng HIV sa sanggol mula sa ina.

Ang pagsalin ng HIV sa sanggol mula sa ina ay maaring mangyari:
• bago manganak
• habang nanganganak (labour and delivery)
• at pagkapanganak, dahil sa pagpapasuso

Ang mga tagasaliksik ay naniniwalang ang pagsalin ng HIV ay karaniwang nagaganap sa mga huling linggo ng pagdadalang-tao o sa araw ng panganganak.

Mga bagay na nagpapataas ng panganib na mahawa ang sanggol sa ina:

• Mataas na viral load o mababang CD4 count (T-cell).

• Impeksyon sa ari, (tulad ng herpes) habang buntis

• pag-inom ng alak, paninigarilyo o paggamit ng recreational o street drugs habang buntis.

• pagputok ng panubigan mahigit sa apat na oras bago manganak.

• Vaginal delivery

• hirap na panganganak (labour) na nangangailangan ng pagsasagawa ng episiotomy at paggamit
ng forceps.

• Pagpapasuso.
Kalusugan ng mga Kababaihan
Ang HIV at ang Pagdadalang-tao

No comments:

Post a Comment

Ang iyong komentaryo ay mahalaga