Apr 29, 2008

Maligayang Araw ng mga Ina!



"Ina ako marunong umintindi sa lahat ng bagay. Mapag aruga, di alintana ang sakit mabigyan lamang ng kasiyahan ang bawat pamilya , lahat ay gagawin dahil sa pagmamahal nyo it ang nagbibigy inspirasyon sa amin".

Maligayang Araw ng mga Ina!




Apr 15, 2008

Kalusugan ng mga Kababaihan

Ang HIV at ang Pagdadalang-tao


Maraming kababaihang may HIV ang nag-aalala kung paano naaapektuhan ng pagdadalang-tao ang kanilang HIV, at gayundin, kung ang kanilang sanggol ay mahahawa sa kanila. Napag-alaman sa mga kararaang pagsisiyasat na sa pamamagitan ng wastong pangangalaga, pag-inom ng mga gamot laban sa HIV at paggamit sa lahat ng paraang pangkalusugan, na malaki ang pag-asang maging maayos ang pagdadalang-tao at magsilang ng malusog na sanggol na ligtas sa HIV.

Paano naaapektuhan ng pagdadalang-tao ang HIV?
• Napagalaman din sa pagsisiyasat na hindi nagpapabilis o nagpapabagal ang pagdadalang-tao sa paglaganap ng HIV.

Paano naaapektuhan ng HIV ang pagdadalang-tao?

• Walang epekto ang HIV sa normal na pagdadalang-tao kung ang ina’y nananatiling malusog,

• May dagdag na panganib na magkaroon ng komplikasyon ang ina at sanggol kapag ang ina ay nagkaroon ng impeksyon dahil sa HIV tulad ng Pneumocystis carinii pneumonia (PCP) habang buntis. Ang panganib ay lumalala kung ang CD4 count ng ina ay mababa sa 200.

• Ang HIV ay walang epekto sa pagkabuo ng sanggol sa loob ng sinapupunan. Ang pinakanghigit
na panganib na dala ng HIV habang buntis ay ang panganib na mahawa ang sanggol. Sa mga kababaihang hindi naggagamot, ang pagsalin ng HIV sa sanggol ay karaniwang tumataas sa 20-25%. Ang panganib na ito ay maaring maibaba sa 8-10% sa pamamagitan ng iba’t ibang paraang tinatalakay sa ibaba.
Pagsalin ng HIV sa sanggol mula sa ina.

Ang pagsalin ng HIV sa sanggol mula sa ina ay maaring mangyari:
• bago manganak
• habang nanganganak (labour and delivery)
• at pagkapanganak, dahil sa pagpapasuso

Ang mga tagasaliksik ay naniniwalang ang pagsalin ng HIV ay karaniwang nagaganap sa mga huling linggo ng pagdadalang-tao o sa araw ng panganganak.

Mga bagay na nagpapataas ng panganib na mahawa ang sanggol sa ina:

• Mataas na viral load o mababang CD4 count (T-cell).

• Impeksyon sa ari, (tulad ng herpes) habang buntis

• pag-inom ng alak, paninigarilyo o paggamit ng recreational o street drugs habang buntis.

• pagputok ng panubigan mahigit sa apat na oras bago manganak.

• Vaginal delivery

• hirap na panganganak (labour) na nangangailangan ng pagsasagawa ng episiotomy at paggamit
ng forceps.

• Pagpapasuso.
Kalusugan ng mga Kababaihan
Ang HIV at ang Pagdadalang-tao

GABRIELA Philippines


About GABRIELA

We seek to transform women into an organized political force.

We are:

  • a movement dealing distinctly with the problems of women as women, working to free women from all forms of economic and political oppression and discrimination, sexual violence and abuse, neglect and denial of their health and reproductive rights
  • a movement integral to the national liberation struggle for sovereignty, a democratic and representative government and equality between women and men in all aspects of life
  • a vital movement to harness the power of half of the country's population towards liberation

R.A 9262

Kung ikaw ay nagugulumihan sa iyong sitwasyon ngayon itong website na ito ay makapag bibigay ng tamang impormasyon sa iyo . Lahat ng ahensya ng pamahalaan bibigyan tugon ang iyong pangangailangan . www.gov.ph

Apr 14, 2008

The Revised Penal Code of the Philippines

Sa mga nagtatanong kung ano ang dapat nilang gawin o aksyon sa kanilang sitwasyn ngayon bisitahin ang website na ito naway malaman ninyo ang lahat ng importmasyon tungkol sa inyong mga hinaing http://www.chanrobles.com/revisedpenalcodeofthephilippinesbook2.htm

Ikaw ba ay martir?


Sa araw-araw na lang ng ginawa ng Diyos puro luha at pagod na lang ang nararanasan mo, dahil itinatak mo sa isip mo na sayang naman ang relasyon ninyo ng 10 taon kung hahayaan mo lang na iiwan sya. Sa Panahon ngayon sa dami kong naririnig na mga ganyang sitwasyon . Maraming mga kababaihan ang nagsasabi na di na kailangan ang magpaka MARTIR .