May 20, 2008

Top Ten powerful Filipina's Blogs

http://mydailyrace.blogspot.com/

Sen. Pia Cayetano, nabasa ko sa isang magazine ang buhay nya at ang mga naging karanasan sa politika, buhay mag-asawa, pagtulong sa kapwa pati na ang mga naging mapait na karanasan niya . Ito ang naging daan para mas lalo nyang itaguyod ang buhay nya kasama na ang kanyang mga anak at maging sa kapakanan ng ating bansa. Ang Inang marunong ipaglaban ang nararapat , mabuhay ka Senador Pia Cayetano

May 12, 2008

Napapagod din ba ang mga INA?


Ito ang naging sermon ng pari nung nakaraan linggo sa aking agam - agam totoo ang ibig sabihin nito. Napakadaling bigkasin na ikaw ay isang INA pero ang hirap sa sabihin "Naging mabuti ka bang INA?"

Sa lahat ng pagkakataon lagi ito ang sumasagi sa aking isipan lalu na pag sa anak ang pinag uusapan , gagawin ang lahat kahit igapang mo pa sila para matustusan ang lahat ng kanilang pangangailangan. Makita mo lang ang saya at ligaya sa kanilang mukha, mawawala lahat ng pagod at ikaw mapapaiyak ka sa tuwa. Noong bata pa ako naaalala ko tanong ko sa sarili, bakit kailangan ng isang INA na gawin ang lahat ng bagay? maglinis, mag aruga ng mga bata , mag trabaho kinabukasan at sa pag lipas ng mga taon hindi nag babago ang kanilang serbisyo.

Napapagod ba sya tigas ng ulo ng mga anak nya?
Napapagod ba sya sa lasenggero nyang asawa na wala namang trabaho, nambabarkada at nambabae pa?
Napapagod ba sya na wala na syang oras sa sarili nya magdamag na syang kumakayod para may maihapag na pagkain sa mesa nila?

Napapagod ba sya o pagod na pagod na sya? Sa tingin mo may kulang pa ba ang pagiging INA nya?